Sa ulat ng Associated Press, armado ng search warrant na inisyu sinalakay ng mga federal agents ang opisina ni Michael Cohen.
Sinabi ng abogado ni Cohen na si Stephen Ryan na ang search warrant ay galing sa tanggapan ng US Attorney for Southern District of New York.
Ayon kay Ryan na kinumpiska ng FBI mula sa tanggapan ni Cohen ang iba’t-ibang mga dokumento gaya “protected attorney client communications.”
Gayunman, hindi na idinetalye pa nito ang nilalaman ng mga dokumento. Iginiit din ng abogado na “completely inappropriate and unnecessary” ang search warrant.
Si Cohen ay matagal ng personal lawyer ni Trump.
MOST READ
LATEST STORIES