Ayon kay Sison, determinado ang peace panels mula sa kanilang hanay at sa pamahalaan na magkaroon na ng wrap up para sa ‘mutually agreed peace agreement.’
Kabilang anya sa nasabing kasunduan ang pagkakaroon ng amnestiya sa mga political prisoners na nasa listahan ng National Democratic Front of the Philippines gayundin ang mga kabilang sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms o CASER.
Sa ngayon, pursigido anya ang Government Peace Panel at NDFP para mapagkasunduan ang road map upang makamit na ang pangmatagalang kapayapaan bago matapos ang taong 2018.
Sinabi nito na ginagawa na ngayon ng bawat panig na mabawi ang nawalang oras matapos na kanselahin ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Nauna rito, binigyan ni Pangulong Duterte ang mga rebelde ng 60-araw upang bumalik sa negotiating table.