Kasunduan sa pagpapadala ng mas maraming English teachers sa China, lalagdaan ni Duterte

Inaasahang lalagdaan sa pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China ang kasunduan para sa pagpapadala ng Pilipinas ng mas maraming English teachers.

Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta Romana, ilang bagay na lamang ang pinaplantsa ng dalawang bansa para tuluyan nang maselyuhan ang kasunduan.

Sinabi nito na lalong lumalaki ang pangangailangan ng China ng mga guro para magturo sa kanila ng wikang ingles.

Paliwanag nito, mula sa dating ruling ng China na native speaker lamang ng ingles ang kukuhaning guro binuksan ito ng nasabing bansa sa mga bansang dating kolonya ng mga native speaking countries gaya ng Pilipinas.

Ang pangulo ay kasalukuyang nasa China para dumalo sa Boao Forum kasama ng iba pang lider sa rehiyon.

Read more...