(UPDATED) 2 patay sa sunog sa Caloocan City

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na naganao sa Barrio Concepcion, Barangay 188, Tala, Caloocan City. At bandang 11:27 ng gabi nang ideklara itong fireout.

Ayon kay FO1 Jason Sarao ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) Investigation Unit, dalawa ang kumpirmadong patay dahil sa naturang insidente.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Herminda Carbonel, 74 na taong gulang; at Banjo Carbonel, 51 taong gulang na mayroong sakit sa pag-iisip.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga otoridad kung saan at paano nagsimula ang sunog na tumupok sa isang bahay na mayroong bakery.

Tinatayang aabot ng ₱500,000 ang kabuuang pinsala sa sunog na nagsimula 10:10 ng gabi.

Read more...