Mentalidad ng mga magsasaka, nais ni Sen. Villar na mabago

Sinabi ni Senator Cynthia Villar na dapat malaman ng mga magsasaka, maging ng kanilang mga anak ang kapabilidad nilang kumita dahil sa kanilang trabaho.

Ayon kay Villar dapat mabago na ang madalas na ibilin ng mga magsasaka sa kanilang mga anak na huwag silang gayahin kaya’t pinapupunta nila ang mga ito sa Maynila, para mag-aral at mag-trabaho.

Binanggit ni Villar na sa isinusulong na Farm Tourism Law sa Senado, madagdagan ang potensyal ng mga magsasaka na kumita ng mas malaki mula sa kanilang pagsasaka.

Paliwanag nito, ang mga lupain ay maaring gawing tourist farm na dadayuhin ng mga turista at aniya dito kailangan nang maglagay ng magsasaka ng kainan, pasalubong center at maari din nilang pagkakakitaan ang kanilang bahay sa pamamagitan ng home stay.

Dagdag pa ng senadora, ang bukid ay maari din maging farming school, na maaring tumanggap ng mga interesado sa pagsasaka at ang magsasaka ay babayaran ng TESDA para sa pagtuturo sa mga estudyante.

 

Read more...