Ito ay kapag natapos na ang anim na buwang rehabilitasyon sa isla na magsisimula sa April 26.
Sa talumpati ng pangulo sa Davao International Airport bago dumalo sa Boao Forum sa China, sinabi nito na lalagdaan niya ang isang proklamasyon para maging deklaradong land reform area ang Boracay island.
Nanindigan pa ang pangulo na deklaradong agricultural land ang Boracay.
Kapag naideklarang land reforma area na ang Boracay, ipamimigay niya ito sa mga magsasagka.
Una rito, sinabi ng pangulo na hindi siya pabor na magtayo ng casino sa isla.
Payo pa ng pangulo sa mga mamumuhunan sa boracay, isalba na kung anong gamit pa ang kanilang maisasalba sa Boracay dahil tiyak na ipamimigay niya ito sa mga mahihirap na magsasaka. /