Jinggoy Estrada, inakusahan ang NBI ng selective justice

Inakusahan ni dating Senador Jinggoy Estrada ang National Bureau of Investigation (NBI) na namili ito sa imbestigasyon ng pork barrel scam.

atay sa supplementary petition ni Estrada sa Sandiganbayan, sinabi nito na hiniling niya sa Korte Suprema na magdesisyon ito na hindi siya nagbigyan ng due process at patas na proteksyon ng batas dahil ang kinasuhan lang umano ng NBI ay mga kalaban ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Inihain ni Estrada ang petisyon noong March 9 bilang suporta sa una nitong petisyon noong June 2014 kaugnay ng pagkuwestyon sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Pinagbatayan ng dating senador ang testimonya ni NBI agent Rodante Berou na nagsabing inutusan umano ang Bureau ni noo’y Justice Sec. Leila de Lima na mag-focus sa mga mambabatas na may transaksyon kay Janet Lim Napoles.

Binanggit pa ni Estrada ang pahayag ni Berou na inutusan ng NBI ang mga imbestigador na itigil ang imbestigasyon sa ibang mambabatas na sangkot sa anomalya matapos na maihain sa Sandiganbayan ang tatlong batch ng kasong may kaugnayan sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Read more...