Año, inutusan si Albayalde na tanggalin ang mga pasaway na pulis

Inquirer file photo

“Lahat ng mga pasaway na pulis, tanggalin sa serbisyo.”

Ito ang marching order ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer in Charge Eduardo Año kay incoming Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Sa statement ng ahensya, sinabi ni Año na inutusan niya si Albayalde na tanggalin sa hanay ng PNP ang mga pasaway na pulis para maging best department sa gobyerno ang DILG.

Partikular na utos ni Año kay Albayalde ay tanggalin ang mga pulis na kahihiyan sa kanilang uniporme lalo na iyong mga naka absent without leave (AWOL).

Pinatatanggal din ni Año kay Albayalde ang mga pulis na natutulog habang naka-duty, ang mga non-performing at umiinom habang nasa trabaho.

Read more...