Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahal niya si Chinese President Xi Jinping dahil naiintidihan nito ang kanyang mga problema at lagi itong handang tumulong.
Pahayag ito ng Pangulo sa press conference sa Davao bago pumunta sa China para sa Boao Forum for Asia.
Nang tanungin ng Chinese reporter ukol sa relasyon ng Pilipinas at China, sinabi ng Pangulo na uusbong ito na parang isang magandang bulaklak.
Naniniwala rin si Pangulong Duterte na mahalaga ang China sa Build, Build, Build program ng gobyerno.
Iginiit pa ng Pangulo na kailangan ng Pilipinas ngayon ang China at ang tulong pinansyal nito.
READ NEXT
Incoming PNP Chief Oscar Albayalde, sablay sa election drug testing proposal, ayon kay Sen. Leila De Lima
MOST READ
LATEST STORIES