Maling simula para kay incoming PNP Chief Oscar Albayalde ang nais nito na sumailalim sa drug testing ang lahat ng mga kakandidato sa papalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ang sinabi ni detained Senator Leila de Lima, sabay dagdag na ang panukala ni Albayalde at anti-poor at paglabag sa equal protection.
Aniya mistulang ang target lang ng gusto ni Albayalde ay ang mga mahihirap na kakandidato sa barangay at SK elections at labas ang mga mayayaman na kumakandidato sa mga national positions.
Payo ni de Lima, hindi naman maging selective si Albayalde sa kanyang bagong plano sa paglaban sa droga.
Giit ng senador kung ipipilit ni Albayalde ang gusto niya dapat ay simulan ito sa pinakamataas na opisyal ng bansa.
At kung babagsak sa drug test si Pangulong Rodrigo Duterte ay dapat irekomenda niya ito na umalis na sa puwesto.
Dagdag pa ni de Lima na kung nagawa lang noong 2016 ang nais ni Albayalde ay maaring hindi naupo si Pangulong Duterte.