Nawawalang oil tanker, natagpuan na sa Palawan

Courtesy of Philippine Coast Guard

Natagpuan na ang Islander Plane ng Philippine Coast Guard ang nawawalang oil tanker sa karagatang sakop ng Dinapak Island sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng Coast Guard nakita ng kanilang mga tauhan mula sa himpapawid ang nawawalang Landing Craft Tanker (LCT) Aviva 5 hapon ng Lunes lulan ang 17 crew.

Nabatid na namatay ang main engine ng tanker dahilan upang magpalutang-lutang at tangayin ng alon mula sa Fortune Island sakop ng Nasugbu, Batangas patungong Palawan.

Nawala ang nasabing oil tanker noong on April 7 dahilan upang magpaliwad ng eroplano ang PCG.

Inaalalayan naman ngayon BRP Cabra ng coast guard ang LCT Aviva 5 habang inaayos ang makina nito.

Read more...