Wao, Lanao del Sur, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Philvolcs photo

Tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa bayan ng Wao sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong 7:59 Lunes ng gabi.

Ang sentro ng lindol ay 8 kilometro southwest ng Wao.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim ito na 13 kilometro.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang aftershock o pinsala mula sa pagyanig.

Read more...