Alvarez, susundin ang utos ni Pangulong Duterte na tapusin na ang Sereno impeachment

Inquirer file photo

Susundin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang proseso ng impeachment kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Alvarez na tatapusin na nila ang Sereno impeachment oras na magresume ang sesyon ng Kamara.

Pahayag ito ni Alvarez ilang sandali lamang matapos sabihin ni Duterte, bago ito pumunta sa China, na sasabihan niya ang kamara na agad ng i-impeach si Sereno.

Bago utusan ang House Speaker na madaliin ang impeachment kay Sereno, galit na sinabi ng Pangulo na kaaway na ang turing niya sa punong mahistrado.

Sa parehong talumpati sinabi ng Pangulo na sasabihan niya si Alvarez na bilisan ang impeachment kay Sereno na anya ay masama para sa Pilipinas.

Read more...