Panukala para sa dagdag na mga health facilities isinulong sa Senado

Inquirer file photo

Naghain ng resolusyon si Senator Sonny Angara na layong mabawasan kundi man mawakasan ang pagkamatay ng ating mga kababayan dahil sa
kakulangan sa mga pampublikong ospital.

Kasama si Angara sa mga nag-akda ng universal health care act na layuning bigyan ng kapangyarihan ang Department of Health na dagdagan ang
kapasidad ng mga pampublikong ospital na tumanggap ng mga pasyente.

Sinabi nito na sa ngayon sa pamamagitan lang ng batas maaring magkaroon ng upgrade sa mga public hospitals, kasama na rin dito ang karagdagang bed capacity.

Ipinunto ng senador na marami sa mga public hospitals ang bilang ng mga pasyente ay higit sa dapat na bed capacity.

Ibinahagi pa nito na base sa datos noong 2015 ng Philippine Statistics Authority, anim sa bawat sampu na namamatay sa bansa ay bunga ng kawalan o kakulangan
ng serbisyong medikal.

Iginiit ni Angara na ang DOH ang tunay na nakakaalam ng sitwasyon kaya’t dapat may kapangyarihan sila na magpatupad ng mga hakbangin para sa
makapagbigay ng tama at de-kalidad na serbisyong medikal.

Read more...