Mga miyembro ng gabinete pwedeng masibak kaagad ayon sa pangulo

Inquirer file photo

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa rin makaliligtas sa pagkakasibak ang mga matatalinong miyembro ng gabinete kapag naging palpak sa kanilang tungkulin.

Sa talumpati ng pangulo sa Davao International Airport bago dumalo sa Boao Forum sa China, sinabi nito na may mga panuntunan sa kanyang administrasyon na kailangang sundin.

Hindi aniya mahalaga ang pagiging matalik na pagkakaibigan o ang pagiging matalino para hindi makaligtas sa pagkasibak sa puwesto.

Ayon sa pangulo, ang interes ng taong bayan ang kanyang magiging pamantayan.

Kapag nakataya na aniya ang bayan, o nalagay na sa kompromiso ang
bayan ay wala nang dapat na pag usapan dahil kailanman ay hindi niya kukunsitihin ang korupsyon o kapalpakan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Well, there are standards to follow. If you fall short of that standard, I’m sorry. We may be friends, you might be a supporter of mine, but there are rules to be followed and boundaries to honor”, ayon pa sa pangulo.

Read more...