PNP nangangailangan ng mga dagdag na bomb-sniffing dogs

Inquirer file photo

Nangangailangan ang Philippine National Police ng 300 mga bomb-sniffing dogs na itatalaga sa explosive Ordnance Disposal and Canine Group.

Sinabi ni Supt. Reynaldo Helga na siyang deputy director ng K9 division, sa kasalukuyan ay umaabot lamang sa 200 bomb-sniffing dogs meron ang PNP samantalang 45 naman ang sumasailalim sa kaukulang training.

Sa pagtatapos ng 1st EOD/K9 Group Explosive Detection Dogs and Handlers Competition, sinabi ni Helga na importante ang papel ng K9 units sa PNP.

Bukod sa bomb detection, nagagamit rin ang mga aso sa pag-amoy ng droga at paghahanap sa pinagtataguan ng mga suspek sa krimen.

Hindi rin umano biro ang halaga ng mga imported na bomb-sniffing dogs tulad ng mga Belgian Malinois, German Shepherd at Labrador.

Sinabi ni Helga na aabutin ng daang libong piso ang halaga nito lalo na kung isasama pa ang presyon ng training at mga pagkain at supplements para sa mga ito.

Read more...