Duterte sasalubungin ng rally ng mga militante sa Hong Kong

Inquirer file photo

Sasalubungin ng kilos-protesta ng ilang Pinoy sa Hong Kong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa grupong Migrante, idudulog ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pangulo ang pagnanais na tanggalin na ang Overseas Employment Certificate, ang pahirapang pag-refund sa terminal fee at ang mahabang application sa pasaporte.

Uungkatin din ng OFW group ang pagtaas ng buwis sa Pilipinas at umano’y laganap na patayan at paglabag sa karapatang pantao.

Naghahanda na ang konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong sa pakikipagkita ni Duterte sa 2,000 Filipino doon.

Tutulak si Duterte sa Hong Kong matapos makipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa Boao Business Forum

Read more...