LTFRB walang inilalabas na bagong prangkisa sa anumang TNC applicants

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang pang pinapayagang bagong transport network company
(TNC) na mag-operate sa kasalukuyan.

Ipinahayag ito ni LTFRB Board Member Aileen Lizada matapos lumabas ang
ulat kung saan sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Commuter Affairs Elvira Medina na apat na TNCs ang mag-ooperate sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Lizada, pinoproseso pa ang applications ng TNCs na Hype, Owto at Lag Go.

Ang ikaapat na TNC naman na Pira ay sisimulan palang ang pagsasaayos ng kanilang requirements para mag-operate.

Read more...