Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pagtatayo ng casino sa Boracay island.
Sa talumpati ng pangulo sa Davao International Airport bago tumulak patungong China para sa Boao Forum,
sinabi nito na hindi niya papayagan ang magkaroon ng casino sa isla.
Una Dito, inaprubahan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang pagtatayo ng P500 Million na casino project ng Galaxy Entertainment Group at Resorts World Corporation sa Boracay
island.
“Far from it actually. I never said building anything or even a nipa hut there. What I said is that island is owned by the government. In the meantime, there’s no plan. My order was to clean it up”, ayon sa pangulo.
Base sa inter-agency task force ng Department of Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources at Department of Tourism ay isasara ang isla ng anim na buwan simula sa Abril 26 para bigyang-daan ang rehabilitasyon sa isla dahil sa hindi maayos na sewerage at drainage system ng mga itinayong establisyemento.
Kasabay nito, sinabi ng pangulo na lalagdaan na rin niya ang isang proklamasyon na magdedeklara ng state of calamity sa Boracay island.
“I’m going to sign the proclamation on calamity and we can make P2 Billion in assistance but these is for the poor Filipinos”, paliwanag pa ni Duterte.