Handa na ang Department of Transportation na gumawa ng mga plaka gamit ang mga bagong biling makina ng ahensya.
Ipinahayag ng DOTr na na-calibrate na nito ang pitong manual embossing machines.
Ayon sa kagawaran, kaya ng mga makina na gumawa ng hanggang 22,000 plaka kada araw.
Inaasahan na ng DOTr na matutugunan na ang backlog o ang mga naaantalang plaka simula pa noong July 2016.
Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na hindi gusto ng ahensya na maulit pa ang problema sa plaka noon kaya minabuti nila na ang kagawaran na mismo ang gumawa ng plaka, kaysa ipagawa pa sa ibang bansa, na mas lalong nakakapagpatagal sa proseso.
Ang pagkaantala sa mga plaka ay nag-ugat sa pagkwestyon sa legalidad ng kontrobersyal na P3.8 bilyong kontrata noong 2013.