Opisyal ng Philippine Navy patay, isa pang sundalo sugatan sa aksidente sa Davao City

Patay ang isang opisyal ng Philippine Navy habang sugatan ang isa pang opisyal matapos maaksidente sa Davao City.

Kinilala ang nasawi na si Lt. Christun Louie Olaivar, at ang sugatan na si Capt. Birgel Amor Vallejos.

Ayon kay Chief Inspector Estrillo Ramiso, sakay ng Mitsubishi Adventure si Vallejos na minamaneho ni Olaivar.

Pabalik na sa Davao ang dalawa nang pagdating sa kilometer-20 ng Buhisan Bunawan, bigla na lamang lumiko pa-kaliwa ang isang trailer trak na sumalpok sa likuran ng sasakyan.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad at itinakbo sa ospital ang dalawang opisyal ng Navy. Gayunman, dead on arrival si Olaivar.

Patuloy namang ginagamot si Vallejos na nagtamo ng sugat sa katawan.

Nakadetine na sa Bunawan police ang driver ng trak na si Joneth Galaura Balbuena habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...