Mga empleyado sa Boracay, hindi pwedeng basta-bastang sibakin – DOLE

Presidential Photo

Binalaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga employers sa Boracay Island na hindi nila pwedeng basta-basta na lang i-lay off ang kanilang mga empleyado dahil sa six-month closure order ng gobyerno sa isla.

Ayon kay Bello kailangan pa ring mayroong “just cause” ang mga employer bago magpatupad ng lay off.

Kailangan din aniyang tumanggap ng separation pay ang mga maaapektuhan ng lay off.

Ipinaliwanag ni Bello na temporary lamang naman ang closure kaya dapat ay walang tanggalan na maganap.

Una rito ay napaulat na mayroong 280 na mga kaka-hire lamang na empleyado ang isinailalim sa lay off ng isang hotel dahil sa inaasahang zero bookings sa loob ng anim na buwang closure.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...