Sinabi ni Bong Nebrija, pinuno ng Task force, kahit bukas pa, araw ng Martes ang full implementation ng bagong traffic scheme, kailangan nang sanayin ngayon ang mga motorista sa mangyayaring adjustment.
Dahil dito, ang mga jeep na nagbaba sa gitna ng plastic barrier na dahilan para maglakad sa gitna ng kalsada ang mga pasahero ay hinuli na.
Ipinatupad ng MMDA ang one-way traffic sa Masaya St. mula Maharlika patungong Commonwealth.
Binuksan din ang Mayaman St. kung saan pinapakaliwa ang mga sasakyan na patungong City Hall at Kalayaan Avenue.
Bahagi ito ng traffic scheme ng MMDA para maibsan ang traffic na dulot ng konstruksyon ng MRT-7.