Ayon kay NDFP senior adviser Luis Jalandoni, para sa kanilang grupo ay madaling maisakatuparan ang nasabing deadline.
Aniya sa loob ng dalawang buwan ay marami na ang makakamit sa pag-uusap kahit na hindi na makumpleto ang buong peace agreement.
Ngayon araw sinabi ni Jalandoni na magsisimula ang back-channel talks sa pagitan nila ng NDFP at government representatives sa gaganapin sa Utrecht sa The Netherlands.
Una nang sinabi ng pamahalaan na naghihintay pa ang Government Peace Panel kung saang lugar gagawin ang peace talks kasama ang NDFP.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Government Chief Negotiator Silvestro Bello III na wala pang abiso ang gobyerno ng Norway, na nagsisilbing facilitator, kung saan gaganapin ang muling paghaharap ng gobyerno at ng mga kinatawan ng NDFP.
Maaari aniyang sa Norway o sa the Netherlands gagawin ang pag-uusap.
Sa ngayon, parehong panel of consultants pa rin ang kasama sa peace talks gaya halimbawa ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.
Nakatitiyak si Bello na ang chairman ng NDFP ang maghahagilap sa mag-asawang Tiamzon na hindi na makontak ng mga otoridad matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks noong Nobyembre 2017.