AFP, kinilala ang sakripisyo ng war veterans ngayong Araw ng Kagitingan

Nakikiisa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong araw ng Lunes, Abril 9.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lt. Col. Emmanuel Garcia, chief ng Public Affairs Office ng AFP, na kinikilala nila ang kontribusyon ng mga sundalo na nakipaglaban para sa kapayapaan ng bayan.

Sa pamamagitan kasi ng kanilang dedikasyon at katapangan ay napagtanggol ang Pilipinas mula sa kamay ng mga mananakop.

Kasabay nito, nagbigay pugay din si Garcia sa mga kasalukuyang sundalo partikular na yung mga sumbak sa Marawi para labanan ang paghahasik ng mga terorista.

Dagdag ng opisyal, ang kabayanihan ng mga war veterans ay hindi maibabaon at ito ay ang magsisilbi nilang inspirasyon sa kanilang mga misyon sa pagtatanggol sa bansa at sa mga Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...