Japan niyanig ng lindol, apat ang sugatan

Sugatan ang apat na katao sa malakas na lindol na tumama sa Oda City sa Japan.

Unang naitala ng Japan Meteorological Agency na may lakas na magnitude 6.1 ang lindol pero sa datos ng US Geological Survey, 5.6 lamang ang magnitude ng pagyanig.

Nagresulta ang lindol sa pagkasugat ng apat na katao mula sa Oda City at pagkawala ng suplay ng tubig at kuryente sa lungsod.

Naganap ang lindol ala 1:32 ng madaling araw ng Lunes, oras sa Japan at naitala ang pinakamataas na intensity scale 7.

Kabilang sa apat na nasugatan ang 17 anyos na lalaki na nahulog sa kaniyang kama dahil sa sobrang lakas ng pagyanig.

Nasa 100 bahay naman ang nawalan ng suplay ng tubig sa Oda City at 50 bahay ang nawalan ng kuryente.

Nakapagtala din ng pinsala sa ilang gusali at bitak sa mga kalsada.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...