Tail-end of a cold front nakakaapekto sa Eastern Visayas

Kasalukuyang nakakaapekto sa silangang bahagi ng Kabisayaan ang tail-end of a cold front.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA. makararanas ang Eastern Visayas ng mga pag-ulan na posibleng magdulot ng landslides at flashfloods.

Inaasahang tataas ang tail-end of a cold front sa eastern side ng Central Luzon.

Dahil dito magkakaroon ng maulap na kangitan na may kalat kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mga lalawigan ng Aurora, Quezon at maging ang Bicol Region.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon, magiging maganda pa rin ang taya ng panahon at makararanas lamang ng isolated rain showers.

Sa Western at Central Visayas naman mararanasan ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan at inaasahan lamang ang mga panandaliang buhos ng ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, sa buong rehiyon naman ng Mindanao ay marararanasan ang generally fair weather at mararanasan lamang ang mga biglaang buhos ng ulan dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, inanunsyo na rin ng PAGASA na maaari nang maideklara ang pagsisimula ng summer season ngayong linggo.

Ayon sa forecast ng weather bureau, maaaring hindi na umiral pa ang northeast monsoon sa Luzon at nakikita ang pag-ihip ng easterlies o hanging mula sa dagat-Pacifico sa bong bansa mula bukas hanggang sa Biyernes.

Read more...