Sumilon Island sa Cebu, isasara ng isang linggo para isailalim sa clean-up

Isasara muna sa mga turista ang sikat na destinasyon sa Cebu na Sumilon Island.

Ayon kay Oslob Mayor Jose Tumulak Jr., isasara muna ang isla mula April 10 hanggang April 16.

Ayon sa alkalde, ang unang tatlong araw ay gagamitin para sa isang clean-up drive habang gagamitin naman ang natitirang araw para sa downtime ng isla.

Iginiit ng alkalde na katulad ng tao, kailangan din ng kalikasan na magpahinga.

Kailangan anyang pansamantalang isara ang isla dahil hindi pa nakokolekta ang mga basurang iniwan ng mga turista sa kasagsagan ng Holy Week.

Kilala ang Sumilon Island sa mala-kristal na linaw na tubig nito at sandbar.

May sukat na 24-ektarya, matatagpuan ang sikat na tourist destination sa timog na bahagi ng bayan ng Oslob.

Samantala, iginiit ni Tumulak na ang kasalukuyang krisis na nararanasan ngayon sa Boracay ang naghimok sa lokal na pamahalaan na tingnan din ang sitwasyon ng Sumilon sa ngayon at pansamantala itong isara.

Anya, dapat ay maging silbing ‘eye-opener’ sa mga lokal na opisyal ang kinahinatnan ng Boracay.

Read more...