La Salle Lady Archers wagi kontra UST sa UAAP women’s volleyball cup

Wagi ang De La Salle University (DLSU) Lady Spikers kontra University of Santo Tomas (UST) Golden Tigreses sa kanilang naging laban sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtapos ang laro sa iskor na 25-23, 25-23, at 25-22 kaya naman napalapit pa ang defending champion na La Salle sa pagkakaroon ng twice-to-beat advantage sa Final Four ng UAAP women’s volleyball tournament.

Pinangunahan ni Kim Kianna Dy ang Lady Spikers matapos nitong magtala ng 12 puntos.

Samantala, natanggal naman na sa competition ang koponan ng UST matapos makakuha ng 9 na pagkatalo.

Sa kaparehong araw naman naglaban ang National University Lady Bulldogs at University of the East Lady Warriors kung saan nagwagi ang Lady Bulldogs sa iskor na 26-24, 26-24, at 25-20.

Read more...