Sylvester Stallone binisita ang ‘Rocky’ statue sa Philadelphia

Sylvester Stallone Instagram

Ginulat ni Sylvester Stallone ang kanyang mga tagahanga matapos nitong sorpresang bisitahin ang kanyang iconic na Rocky Balboa statue sa Philadelphia.

Bagaman busy sa shooting para sa kanyang pelikulang “Creed II,” ay naglaan ng oras ang action star para samahan si Philadelphia Mayor Jim Kenney sa pagbisita sa naturang sculpture.

Nakatayo ito malapit sa Philadephia Art Museum na naging bahagi ng unang “Rocky” movie.

Nang makita ng kanyang mga taga-hanga si Sylvester ay sabay-sabay silang nag-chant ng “Rocky! Rocky! Rocky!”

Sa naturang pagbisita ni Sylvester ay iprinisenta rin ni Mayor Jim Kenney ang plaque na nakalagay sa Rocky statue na 12 taong nawala.

Read more...