Batang Gilas tinalo ng China sa FIBA U-16

Hindi na makakausad pa sa 2018 FIBA U-16 ang pambato ng Pilipinas na Batang Gilas.

Ito ay matapos matalo ang koponan ng China sa iskor na 60-54.

Dahil dito ay nananatiling undefeated ang China na sunod namang haharapin ang koponan ng Australia para sa gold medal.

Nanguna para sa Batang Gilas si Kai Sotto matapos nitong makapagbigay ng 26 points, 21 rebounds, at 6 na blocks.

Para naman sa China, si Sun Haoqin ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 22 puntos.

Bagaman natalo at hindi na makakausad sa U-16 ay makakapaglaro pa rin ang Batang Gilas sa FIBA World U-17 championship na magaganap ngayong taon sa Australia.

Read more...