Paghahanda para sa kasal ni Jan Manual nasa final stage na

Jan Manual Facebook

Patuloy ang paghahanda ni Kapuso Comedian Jan Manual at ng kaniyang
non-showbiz fiancee na si Jamey Santiago sa kanilang kasal.

Sa isang panayam, sinabi ni Jan na nasa final stage na sila ni Jamey sa pag-aasikaso ng kanilang church wedding at wedding reception.

Ibinahagi rin ni Jan na blessed sila ni Jamey dahil sa binubuhos na suporta ng kanilang mga kaanak at kaibigan para matupad ang kanilang dream wedding.

Isiniwalat na rin ni Jan na si Khristelle Tan ang magdidisenyo ng wedding gown ni Jamey habang pinag-iisipan niya pa ang gagawa ng kaniyang suit.

Nakatakda ang kasal nina Jan at Jamey sa buwan ng Hunyo.

Matatandaang na-engage ang dalawa noong October 17, 2017.

Read more...