House Speaker Alvarez pabor sa pagbuwag ng NFA Council

Pabor si House Speaker Pantaleon Alvarez na buwagin na ang National Food Authority Council (NFAC) na pinamumunuan ngayon ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco.

Ayon kay Alvarez, mayroon namang NFA administrator na magbabantay kung sapat ba ang suplay ng NFA rice sa merkado.

Dismayado si Alvarez na bagaman mayroong research center ang Pilipinas sa Los Baños sa Laguna ay kinakapos pa rin ang suplay ng bigas sa bansa.

Marami aniyang dayuhan mula sa Cambodia at Thailand ang nag-aaral sa Los Baños pero ang Pilipinas pa ang umaangkat ng bigas sa kanila.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang buwagin ang NFAC at ituloy ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Read more...