Residential area sa Tondo, Maynila nasunog

Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa Maria Guizon St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog 9:55 ng umaga.

Agad itong itinaas sa unang alama makalipas lamang ang ilang minuto.

Alas-10:14 naman idineklarang fire-out ang sunog.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung ilang kabahayan ang tinupok at kung magkano ang halaga ng ari-ariang nasira nito.

Read more...