Nadagdagan pa ang bilang ng kaso ng mga batang namatay matapos maturukan ng kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 62 ang kaso ng pagkamatay na iniuugnay sa naturang bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, patuloy pa ang pagkalap ng mga opisyal ng kagawaran ng medical records ng mga karagdagang kaso bago dalhin sa Philippine General Hospital Dengue Investigative Task Force (PGH-DITF) para imbestigahan ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.
Sa inilabas na first report ng DITF nitong Pebrero, unang naitala ang 14 na kaso ng mga batang namatay na nabigyan ng Dengvaxia kung saan tatlo rito ay napag-alamang namatay bunsod ng sakit na Dengue.
MOST READ
LATEST STORIES