Kinilala ang napatay na si Yaser Murtaja na isang photojournalist ng Ain Media agency.
Ayon sa mga otoridad, binaril si Murtaja sa kanyang tiyan, bagaman nakasuot ito ng bullet proof fest na may nakasulat na “press.”
Sa isang panayam, ikinwento ng kapwa photojournalist ni Murtaja na si Hosam Salem na magkatabi sila nang makarinig ng putok ng baril na sinundan ng pagbagsak ni Murtaja. Matapos nito ay isinigaw ni Murtaja na nabaril na nga siya.
Sa kabuuan, 31 na ang napapatay sa Palestine dahil sa mga mass protest simula March 30.
Magsasagawa naman ng isa pang kilos protesta ang mga Palestinian sa libing ni Murtaja sa Manara Square.
Samantala, sa isang pahayag ay sinabi ng Israeli army na hindi nila intensyon ang barilin ang mga mamamahayag. Ayon pa dito, nagsasagawa sila ng kanilang sariling pagsisiyasat tungkol sa insidente.