Pasok na ang San Miguel Alab Pilipinas sa semifinals ng 2018 ASEAN Basketball League.
Ito ay matapos talunin ng koponan ang Saigon Heat sa iskor na 96-85 sa kanilang naging laban sa homecourt ng Saigon sa CIS Arena sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Nanguna para sa Alab sina Renaldo Balkman at Lawrence Domingo na kapwa nagbigay ng 21 points. Sinundan naman sila ni Justin Brownlee na nakapagtala namang 18 points at 13 rebounds.
Para naman sa koponan ng Saigon, si Akeem Scott ang nakapagtala ng pinakamataas na puntos sa pamamagitan ng kanyang 22 baskets.
Magaganap ang Game 1 ng ABL Semifinals sa Miyerkules, April 11 kung saan haharapin ng pambat ng Pilipinas ang Hong Kong Eastern Basketball Team sa Southorn Stadium sa Hong Kong.
MOST READ
LATEST STORIES