Robin Padilla hinangaan ang na-injure na stunt double

Nagpahayag ng pagkahanga si Robin Padilla sa kanyang stunt double.

Sa isang Instagram post ng aktor ay mapapanood ang video kung saan makikita na bumagsak na una ang ulo ang isang lalaki na nakasuot ng all-black at bonnet.

Ayon kay Robin, ang lalaking nasa video ay ang kanyang stunt double para sa teleseryeng “Sana Dalawa ang Puso Ko” na si Glen.

Kwento ng aktor, nagkamali ng tantya ang kanyang double kaya nang dapat ay mag-ta-tumbling ito mula sa isang crate ay bumagsak ito sa sahig na una ang kanyang ulo.

Dahil sa aksidente ay pumutok ang noo ng kanyang stunt double.

Mabuti na lang aniya at mayroong nakaantabay na emergency services sa kanilang shoot at agad nadala sa ospital ang nasugatang stunt double.

Sa post ni Robin, pinuri nito ang stunt double at sinabing napakahirap talaga ang buhay ng mga double.

Read more...