Makikita sa mga livestream videos ng Uk-Dds Activities na hawak ng mga nagpo-protesta ang mga placard kung saan nakasulat na pekeng bise presidente umano si Robredo.
Ayon naman sa posts ng DDSUK, UK-DDS, at BBM London Chapter, nagsama-sama sila upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya kay Robredo, maging ang kanyang sinasabing pandaraya noong nakaraang national elections.
Samantala, nauna nang ipinahayag ng Office of the Vice President na nasa UK si Robredo upang magkaroon ng talk tungkol sa pag-alpas sa kahirapan at ang gampanin ng pulitika para sa economic growth.