Intelligence Service ng AFP nagsagawa ng conference para talakayin ang mga banta sa bansa

Nagsagawa ng isang conference ang mga spy o intelligence officers ang Pilipinas noong Sabado, April 7 upang pag-aralan ang iba’t ibang banta.

Ayon sa mga sources ng Inquirer, sa isinagawang first quarter command conference ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ay parikular na tinalakay kung paano mapipigilan ang mga posibleng pag-atake ng mga ISIS-affiliated group at New People’s Army (NPA) upang maghasik ng takot sa ng Pilipino.

Napag-usapan rin ang tungkol sa tila napapadalas na mga pag-atake ng NPA sa iba’t ibang mga lugar sa bansa.

Para sa taong kasalukuyan, ginananap ang command conference sa Davao City ngunit hindi naman tinukoy kung saan ito partikular na idinaos.

Read more...