Sa abiso ng PAGASA, pinayuhan nito ang mga residente na maghanda sa mga posibleng pagbaha o landslide sa mga nabanggit na rehiyon dulot ng mahina hanggang sa katamtaman, at paminsan ay malakas na pag-ulan.
Samantala, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Bikol, maging sa mga probinsya ng Aurora at Quezon dahil naman sa northeast monsoon o hanging amihan.
Mararamdaman naman ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan dahil rin sa hanging amihan.
Para naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa, asahan na ang bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-uulan na dala naman ng mga localized thunderstorms.