Ito ay matapos talunin ng Lady Tamaraws sa five sets ang Adamson University sa scores na 25-22, 25-27, 14-25, 25-22, 15-11 sa laban nila kahapon sa Mall of Asia Arena.
Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng FEU dahilan upang mapaganda ang record sa 8-4 habang nananatiling nasa ikalimang pwesto ang Lady Falcons sa record na 5-7.
Bagaman sigurado nang pasok sa final four ay hindi naman magpapakampante ang FEU ayon kay head coach George Pascua.
Anya, ang tunay nilang goal ay mapabilang sa top 2 upang magkaroon ang kanyang koponan ng twice-to-beat advantage sa semifinals.
Nanguna para sa Lady Tamaraws si Bernadeth Pons matapos ang kanyang kahanga-hangang 20 points, 23 excellent digs at 24 excellent receptions.
Si Jema Galanza naman ang nanguna sa Lady Falcons sa kanyang 16 points.