Kita ng pelikulang ‘My Perfect You’ umabot na sa P136 million matapos ang apat na linggo

Tila kinagat ng publiko ang unang tambalan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Gerald Anderson.

Ito ay matapos ianunsyo ng Star Cinema na kumita na ng P136 million sa unang apat na linggo ang pelikula nilang ‘My Perfect You’.

Ang naturang balita ay inanunsyo ng film outfit sa kanilang Instagram page.

Matatandaang noong mga nakaraang araw ay nasadlak sa kontrobersiya ang tambalan ng dalawa matapos i-unfollow ni Bea Alonzo ang kasintahan na si Anderson at si Wurtzbach.

Gayunman, sa ngayon ay mukhang nagkaayos na ang dalawa matapos muling i-follow ni Alonzo si Anderson.

Samantala, bagaman malaki na ang kinita, patuloy pa ring ipinalalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang “My Perfect You’.

Tumatalakay ang pelikula sa mental health partikular sa kondisyong tinatawag na
Schizophrenia.

Read more...