Makaraan ang dalawang magkasunod na linggong pagpapatupad ng big time oil price hike, magbabawas naman ngayon ng presyo sa kanilang produktong petrolyo ang ilang oil companies.
Base sa anunsyo na ipinarating sa Department of Energy, maglalaro mula P0.40 hanggang P0.50 ang inaasahang bawas sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Inaasahan naman ang P0.35 kada litro ang bawas sa halaga ng diesel samantalang walang pagbabago sa presyo ng kerosene o gaas.
Sa Martes ang inaasahang magaganap ang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing oil products sa bansa.
Sinabi naman ng DOE na wala silang nakikitang pagbabago sa halaga ng Liquefied Petroleum Gas sa papasok na linggo.
MOST READ
LATEST STORIES