Operasyon ng coal-fired power plant sa Zambales ipinatigil

Pinahihinto na muna pansamantala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang expansion activities ng Alpha Water Realty Services Corporation (AWRSC) na operator ng Masinloc Coal-fired thermal power plant project sa Zambales

Ito’y matapos makitaan ng ahensya ng ilang paglabag ang naturang kumpanya sa operasyon nito sa Masinloc Oyon Bay Marine Reserve (MOBMR).

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, kinakailangan munang rebyuhin ang compliance requirements ng naturang kunpanya habang pinapatupad ang suspension order nito.

Sa compliance report kasi lumabas na nagsagawa ang kumpanya ng hindi otorisadong land reclamation at construction ng seawall.

Bigo rin ang naturang kumpanya na makapagsumite ng mga kaukulang permit.

Tiniyak naman ni Cimatu na hindi kukunsintihan ang pagpapatuloy ng mga operasyon nang hindi napapanagot sa mga paglabag.

Nabatid na inirekomenda na rin ng Provincial Environment and Natural Resources Office sa Environmental Mangement Board na suriin kung naapektuhan ang kalidad ng tubig sa nasabing baybayin.

Read more...