2 patay sa trak na nahulog sa bangin sa Benguet

Inquirer file photo

Patay ang dalawa katao habang kritikal naman ang lagay ng isa pa matapos mahulog ang isang delivery truck sa isang bangin sa Tuba, Benguet.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Tuba Municipal police, nagkaproblema sa makina ang trak at bumangga sa isang poste bago nahulog sa bangin.

Naganap ang aksidente dakong alas-11:00 kagabi sa Taloy Sur.

Tumagal ng pitong oras ang retrieval operation ng mga otoridad.

Nakilala ang mga nasawi na sina Bobby Velayo at Alvin Garces ng pawang mga residente sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Kritikal naman ang kalagayan ng driver na si Joe Pigson sa Agoo Nazarene Hospital.

Read more...