Gobyerno naglatag ng panuntunan sa mga proyekto sa lupain ng mga Lumad

Inquirer file photo

Nagkasundo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na maglatag ng guidelines para mapabilis ang infrastructure projects, at maprotektahan ang ancestrsal land claims ng indigenous peoples.

Ipinahayag ng DPWH at NCIP na bubuo ang kanilang technical working group ng mga hakbang at documentary requirements sa pagproseso sa road right-of-way claims na pambayad sa mga ari-arian ng indigenous peoples
(IPs) na apektado ng mga proyekto ng DPWH.

Sa ilalim ng binalangkas na guidelines, kokonsultahin ng DPWH ang NCIP sa para alamin ang authenticity at pagkalehitimo ng ancestral domain claims ng IPs.

Ipaaalam naman ng NCIP sa technical working group ang proseso ng accreditation ng IPs sa paghahain ng ancestral domain claims at ancestral domain titles.

Bibigyang prayoridad din ang paghahain ng sertipikasyon ng mga kondisyon ng national government projects, at tutulungan ang claims na magkakaproblema.

Magiging epektibo ang kasunduan nang dalawang taon, at maaaring baguhin depende sa mapagkakasunduan ng DPWH at NCIP.

Read more...