KZ Tandingan, hindi nakapasok sa ‘breakout round’ ng Singer 2018

Bigong makapasok muli sa Chinese singing competition na ‘Singer 2018’ ang Kapamilya artist na si KZ Tandingan.

Hindi nagawang makapasa ni KZ sa ‘breakout’ o ‘wildcard round’ ng patimpalak na ginanap Biyernes ng gabi.

Kahit pa buong-husay na kinanta ni KZ ang sikat na awiting ‘Anak’ ni Freddie Aguilar na isinalin sa wikang Mandarin, hindi pa rin ito naging sapat para muling makabalik siya sa kumpetisyon.

Nakalaban ni KZ sa ‘breakout round’ ang iba pang mga singer na natanggal sa competition at binigyan ng pagkakataon na makapag-perform muli para mabigyan ng ‘slot’ sa finale na gaganapin sa April 13.

Read more...