San Miguel Beermen, 4-peat champion sa PBA Philippine Cup

Inquirer photo

Gumawa ng kasaysayan ang San Miguel Beermen matapos masungkit ang ika-apat na sunod na kampeonato sa PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Beermen sa double overtime ang Magnolia Hotshots sa score na 108-99 sa Game 5 ng best-of-seven championship series na ginanap sa Mall of Asia Arena kagabi.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang panalo ng Beermen, kung saan itinanghal rin siya bilang Finals MVP dahil sa kanyang 40-20 double-double performance na 42 points at 20 rebounds.

Nakapagtala rin ng double-double si Arwind Santos para sa SMB na naka-iskor ng 23 points at 11 rebounds.

Samantala, triple-double naman ang naitala ni San Miguel Beermen guard Chris Ross na may 13 points, 11 rebounds, at 11 assists.

Sa panig naman ng Magnolia Hotshots, si Paul Lee ang nanguna na nakapagtala ng 21 points.

 

Read more...