P2.5M halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust sa Mandaluyong, 3 arestado

Inquirer file photo

Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong hinihinalang drug trafficker na nagbebenta ng shabu sa Mandaluyong City.

Nakilala lamang ang dalawa sa tatlong suspek bilang isang half-Palestinian, at ang isa naman ay isang Tourism graduate mula sa University of the Philippines.

Nahuli ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga miyembro ng PDEA Special Enforcement Service bandang alas-tres ng hapon.

Nakuha sa kamay ng mga suspek ang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na may street-value na aabot sa 2.5 Million Pesos.

Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Cyrille)

 

Read more...